Minsan sa buhay ng tao sunod sunod ang problema Malayo ang nararating ngunit solusyo'y di makita Hanggang dumating sa puntong susuko ka na Biglang may darating na tulong mula sa kanya. Ngunit di iyon ang alam ng karamihan Na sa mga nangyayari, Dyos Ama ay may dahilan Bawat problema ay pawang pagsubok lamang Nais nyang subukin ating katatagan. Ako man nakaranas din mabigo Sa sunod dunod na pasubok halos ako'y sumuko Di malaman ang gagawin, ako'y litong lito Ang isip ay lipad, di alam saan patutungo. Sa problema kong ito, hanap ko ay masasandalan Ngunit tila di lahat handa akong damayan Iba't- iba man kanilang naging dahilan Ang lahat ng iyon ay akin ding naintindihan. Ako ay nagpakatatag sa kabila ng lahat Sapagkat alam kong iyon ang nararapat Sa lupa mananatili ang paa kong nakalapat At pagkatao ko'y patuloy na iaangat.
Gusto na kita makalimutan Kung paano? Di ko alam Bumabalik sa akin ang nakaraan Na ako'y iyong inibig ngunit iyo ding sinaktan. Alam kong hindi ito ang dapat Ang ibigay sa iyo ang lahat Pagmamahal sa sarili ay di na sapat Ang buong ako, sa'yo inilahad. Paano ngayon? Saan ako magsisimula? Ngayomg sa tabi ko ikaw ay wala Iniwan akong miserable at magisa Habang ikaw ay masaya sa piling ng iba.