Naranasan ko na ang magmahal ng lalaki
Hindi isa, dalawa kung hindi marami
Sa mga naunang araw naging masaya kami
Pero di nagtagal, sa hiwalayan din nauwi.
Noo'y aking naisip subukan
Ang magmahal ng babaeng kilos ay Adan
Naging masaya ako kaya tuloy tuloy lang
Ilang taon ang lumipas, ako'y kanya ding iniwan.
Umiyak ako ng paulit ulit na parang di ko na kaya
Ang umibig sa kapwa babae, ayoko ng maulit pa
Humanap ng lalaki na sa aki'y magbibigay halaga
Buo na aking loob, iibig akong muli pero sa lalaki na.
Hanggang sa aking makilala
Taong dumilig sa puso kong lanta
Ang sinabi kong sa babae ay di na muling iibig pa
Nagbagong bigla dahil mahal na kita.
Sa mga panahong ikaw ang kasama ko
Isang bagay ang sa akin ay pinatunayan mo
Na bilyon bilyon man ang lalaki sa mundo
Nahanap ko ang tunay na pagmamahal sa babaeng kagaya mo.
Sa buhay kong ito'y wala ng mahihiling pa
Wala ng mas sasaya pa sa habang buhay na makasama ka
Mahal kita at di na yun magbabago pa
Mahal na mahal kita kahit babae ka pa.

Comments
Post a Comment