Dahil sa'yo ako ay naging matatag
Walang takot na pagmamahal sa'yo sa lahat ay inihayag
Ipinaglaban ka't ni minsa'y di naduwag
Sa lahat ng taong pilit tayong binubuwag.
Sa piling mo ako'y lubos na lumigaya
Ang ordinaryong araw ay espesyal kapag kasama ka
Ngunit mga ngiti sa labi ay napalitan ng luha
Mula noong pag-ibig ko sayo'y iyong binalewala.
Ngunit mahal kita
Di ko nais sa akin ikaw ay mawala
Kaya't mas pinili ko ang magpikit mata
Sa kabila ng sakit na aking nadarama.
Nagmahal ako sa paraang alam ko
Pinahalagahan kita at inalagaan ng husto
Nilunok ang pride, kinalimutan ang ego
Di ko namalayan, sa sarili ko'y nawalan na ko ng respeto.
Pag-ibig mo ngayon ay nasaan?
Bakit bigla ako ay nilisan?
Masasayang ala-ala na kahapon lamang
Tila kasamang natabunan pagsabog ng bulkan.
Kaytagal kong naghintay
Na muli mahawakan ang iyong kamay
Sa pagtulog ikaw ay makaabay
Ngunit paghihintay ko'y tila wala ng saysay.
Saan na nga ba tutungo
Pag ibig na laan para sa iyo
Unti unti ng naglalaho
Matapos mong iwan sugatan kong puso.

Comments
Post a Comment