Skip to main content

Magtiwala Ka

Minsan sa buhay ng tao sunod sunod ang problema
Malayo ang nararating ngunit solusyo'y di makita
Hanggang dumating sa puntong susuko ka na
Biglang may darating na tulong mula sa kanya.

Ngunit di iyon ang alam ng karamihan
Na sa mga nangyayari, Dyos Ama ay may dahilan
Bawat problema ay pawang pagsubok lamang
Nais nyang subukin ating katatagan.

Ako man nakaranas din mabigo
Sa sunod dunod na pasubok halos ako'y sumuko
Di malaman ang gagawin, ako'y litong lito
Ang isip ay lipad, di alam saan patutungo.

Sa problema kong ito, hanap ko ay masasandalan
Ngunit tila di lahat handa akong damayan
Iba't- iba man kanilang naging dahilan
Ang lahat ng iyon ay akin ding naintindihan.

Ako ay nagpakatatag sa kabila ng lahat
Sapagkat alam kong iyon ang nararapat
Sa lupa mananatili ang paa kong nakalapat
At pagkatao ko'y patuloy na iaangat.

Comments