Kung ako ma'y papipiliin
Ng landas na tatahakin
Kahit madilim ay aking nanaisin
Basta't ikaw ang kapiling.
Ako sa iyo ay sasama
Saan ka man magpunta
Huwag ka lang magsasawa
Kahit saan ay susundan kita.
Ngunit distansya mo sa aki'y lumayo
Di ko na masundan bakas ng mga paa mo
Di ka na mahagilap nitong aking puso
Di na kita matanaw, saan ka na nagtungo?
Magdamaga'y hinanap kita
Sa pagba baka sakaling babalik ka
Ayoko sanang mawalan ng pag-asa
Ngunit ilang buwan na, bakit wala ka pa.
Ikaw ay nagbalik, muli tinanggap kita
Bumawi ka sa mga panahong di tayo nagkasama
Walang oras na hindi tayo masaya
Natupad ang pangarap kong tayo ay magka sama.
Muli ikaw ay lumisan
Madilim ngunit masaya nating mundo, muli iyong iniwan
Masasayang ala-ala na iyong ipinahiram
Ay sya palang tanda ng iyong huling paalam.

Comments
Post a Comment